ANIBERSARYO | Sunod-sunod na pag-atake ng NPA, aasahan ng AFP dahil sa gaganaping NPA Anniversary sa March 29

Manila, Philippines – Inaasahan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP)
ang gagawing sunod-sunod na pag-atake ng New People’s Army (NPA) bilang
pagpaparamdam ng kanilang pwersa may kaugnayan sa kanilang anibersaryo sa
darating na March 29, 2018.

Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Bienvenido Datuin Jr, mas
paiigigtingin ng militar ang kanilang ang operasyon laban sa mga
teroristang NPA upang mapigilan ang mga planong panggugulo ng mga ito.

Aniya sa mga nakalipas na mga panahon, patuloy ang ginagawang pananambang,
pagsalakay at pananabotahe sa tropa ng pamahalaan ng mga miyembro ng NPA.


Nagpapakita lamang aniya ito nang tunay na kulay ng mga NPA ito ay ang
pagiging kriminal at terorista.

Sa National Capital Region aniya ay nagsasagawa sila ng mga rallies na
nagdudulot ng pagsikip ng daloy ng mga sasakyan.

Kaya naman ipagpapatuloy aniya nila ang kanilang mga operayson upang
pigilan ang terroristic activities ng grupo.

Nanawagan rin sila sa kooperayson ng publiko.

Facebook Comments