Iligan City – Inalala kahapon ng mga iliganon ang malaking trahedyang nangyari sa lungsod ng Iligan matapos tumama ang bagyong sendong noong nakaraang taong 2011.
Disyembre dise syete ng nasabing taon winasak ng bagyong sendong ang libo-libong buhay at ari-ari-an ng mga iliganon.
Kaya’t emosyal ang mgadumalo sa isinagawang programa sa sendong memorial lalong-lalo na angmga kaanak na nawalan ng mga mahal sa buhay at yung patuloy na missing hanggang ngayon.
Nagsagawa ng misa at nag-alay ng dasal at bulaklak ang mga kaanak ng mga biktima ng nasabing trahedya.
Para sa mga iliganon ay sana hindi na maulit pa angpinakamasakit na trahedyang kanilang naranasan noong kasagsagan ng bagyongsendong. (Ghiner L. Cabanday, RMN Iligan)
*** Photo credits to the owner
Anibersayo ng Bagyong Sendong Inalala ng mga Iliganon
Facebook Comments