Anim, arestado sa magkakahiwalay na cable theft incidents sa Maynila

Patuloy na pinaigting ng nangungunang digital solutions platform na Globe  ang kanilang nationwide campaign laban sa cable theft katuwang ang local authorities, na nagresulta sa pagkakaaresto sa anim na magnanakaw ng kable sa Maynila.

Ang mga insidente ay nakaapekto sa   enterprise customers ng Globe, kabilang yaong mga nagkakaloob ng napakahalagang serbisyo tulad ng mga bangko at medical facilities.

Sa isang insidente noong nakaraang September 20 ay naaresto ang mga suspek na sina Edwin Zulueta, Kyle Epola, Joenel Caparas, at Jennerold Ellore sa M.H. Del Pilar Street, Malate, Manila makaraang mahuli silang nagpuputol at nagnanakaw ng 200 pares ng Innove copper cable wires na tinatayang may habang 28 metro, na nakaapekto sa apat na   circuits na nagseserbisyo sa mga bangko, clinic at isang electronic store.


Pagkalipas ng tatlong  araw ay isa pang suspek ang nahuli ring nagnanakaw ng

200 pares ng multi-pair cables na may habang 12.5 metro sa kahabaan ng Maria Orosa Street corner UN Avenue. Ang pagnanakaw ay nakaapekto sa anim na circuits na nagseserbisyo sa mga bangko at clinic sa lugar.

Sa kaparehong insidente, inaresto si Jayson Picardo ng Paco, Maynila, ng Bantay Kable National Capital Region special operations team noong October 20 makaraang mahuling nagpuputol at nagnanakaw ng 100 pares ng Innove copper cable wire na may habang 21 metro sa panulukan ng

UN Avenue at General Luna. Ang insidente ay nakaapekto sa siyam na circuits na nagseserbisyo sa mga bangko,  groceries at clinics sa lugar.

“At Globe, we deeply value the trust our customers place in us. Every cable represents a lifeline for someone – be it for work, learning, or staying in touch with loved ones. By joining forces with local agencies, we’re not just combating cable theft, we’re safeguarding the very connections that bind our community together,”  sabi ni Gerardo Recio, Globe Enterprise and Corporate Operations (ECOPS) Head.

Ang Globe ay nakapagtala ng kabuuang 1,181 insidente ng pagnanakaw ng kable sa first half ng taon, kung saan tumaas ito noong June.  May kabuuang 1,811 kaso naman ang naitala nito noomg nakaraang taon.

Facebook Comments