Anim katao, nahulihan ng shabu sa QC

Manila, Philippines – Arestado ang anim katao kabilang ang isang babae matapos na magsagawa ng buy bust operation ang mga operatoba ng Station Drug Enforcement Team-3 ng QCPD sa  Payatas Road  QC.
 
Kinilala ang mga suspek na sina Sonny Solomon 29 anyos, Soraya Dimarao18 anyos, Melchor Nilla 45 anyos Raymark Sorban 25 anyos  Francisco Japag 27 at Reynor Teñoso 41 anyos.
 
Batay sa imbestigasyon ng pulisya matagal na nilang sinusubaybayan ang mga suspek dahil sa napaulat na talamak na paggamit ng shabu ng mga ito.
 
Agad na bumuo ng team ang mga tauhan ni P/Sr. Inspector Dennis Francisco at nagpanggap na pauseur buyer ang kanyang mga tauhan at nang iaabot na ang isang libong mark money sa mga suspek sa Bartskie81 Apartelle sa Payatas Road ay agad dinampot ng mga pulis ang mga suspek.
 
Narekober sa Apartelle ang mga baril, shabu,timbangan ng shabu, at mga paraphernalia.
 
Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isasampa laban sa mga nahuling suspek.
 

 

Facebook Comments