Naharang ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang anim na parcels na naglalaman ng iligal na droga na nagkakahalaga ng mahigit P17 million.
Dalawa rito ay outbound parcels at apat naman ang inbound parcels.
Ang dalawang shipments na naglalaman ng shabu ay patungo sana ng New Zealand.
Ito ay nagkakahalaga ng P5.6 million.
Ang apat naman na inbound parcels ay na-intercept sa Central Mail Exchange Center (CMEC) ay naglalaman ng P11.4 million na halaga ng shabu.
Naharang din ng mga awtoridad ang 44 cartridges na naglalaman ng cannabis oil mula sa Amerika.
Ang mga nasabat na illegal drugs ay nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Facebook Comments