Anim na araw simula ng muling ilunsad ang oplan tokhang part 2 ng PNP, labing 13 – patay

Manila Philippines – Anim na araw matapos muling ilunsad ng Philippine National Police ang kampanya kontra iligal na droga, umabot na ngayon sa labing tatlong drug suspects ang napaslang sa oplan tokhang part 2. 
 
Batay sa datus ng PNP – ang 13 nasawi ay mula sa 212 na operasyon mula noong Marso a-sais hanggang Marso a-onse.
 
Sa ilalim ng double barrel reloaded – kabuuang 331 suspek na ang naaresto, 14 ang sumuko kung saan isa ang pusher habang 13-ang umaming drug users.
 
Aabot naman sa 1,345 na kabahayan ang nabisita ng mga otoridad.
 
Batay sa inisyal na resulta ng double barrel, makikitang less bloody ang kampanya ngayon ng PNP laban sa iligal na droga.
 
RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila

Facebook Comments