Anim na babaeng ibinugaw sa pamamagitan ng Facebook, sinagip ng NBI

41

Manila, Philippines – Sinagip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anim na babae matapos umano silang ibugaw sa pamamagitan ng Facebook.

Ayon kay Martini Cruz ng NBI Cybercrime Division – agad naharang ang anim na kababaihan sa isang motel sa Pasay City matapos matuklasang na ipinakikilala sila ng mga bumubugaw.

Umamin naman ang suspek na itatago sa pangalang ‘Bernadette’ na bukod sa sinasamahan niya ang mga biktima sa motel, pati ang kanyang sarili ay binubugaw na rin.

Itinanggi naman ng isa pang suspek na itatago sa pangalang ‘Lucia’ ang pambubugaw sa mga babae at iginiit na isa siyang reflexologist.

Kinasuhan na ng human trafficking ang dalawang suspek, pag napatunayang nagkasala ay maari silang makulong mula hanggang 12 taon.
Nation

Facebook Comments