ANIM NA BAYAN SA PANGASINAN, MAKARARANAS NG POWER INTERRUPTION

Apektado ang anim na bayan sa Pangasinan ng power interruption sa darating na Sabado, March 29.

Ayon sa inilabas na detalye ng electric provider, apektado ang buong bayan ng Bugallon, Lingayen at Binmaley mula 6:00 AM to 6:30 AM at 4:30 PM hanggang 5:00 PM.

Mula naman 6:00 AM hanggang 5:00 PM, makaranas ng power interruption ang buong bayan ng Aguilar, Mangatarem at ilang bahagi ng Urbiztondo partikular ang Poblacion, Malibong, Malayo, Sawat, Dalanguiring, Angatel, Real, Malayo, Camanbugan, Baug, Pisuac, Galarin, Salavante, Bayaoas, Gueteb at mga barangay din sa Bugallon tulad ng Poblacion, Salomague Norte, Salomague Sur, Umanday East, Umanday West, Bolaoen, Cayanga, Cabayaoasan, Hacienda, Portic, Laguit Centro, Laguit Padilla, San Francisco, Salingcaoet.

Ang dahilan Umano nito ay mayroong kinakailangang ayusin upang mapanatili ang maayos na daloy ng kuryente.

Humingi naman ng paumanhin ang nasabing electric provider at sinabing sisikaping mas mapadali ang pag-aayos ng mga Linya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments