ANIM NA BINALOÑIANS NA NAPAGKALOOBAN NG BASIC FOOTWEAR TRAINING, LAKING TULONG SA PAGPAPALAWAK NG FOOTWEAR INDUSTRY SA PROBINSYA

Anim na maswerteng Binaloñians ang pinagkalooban ng LGU Binalonan Livelihood program upang matuto ng basic footwear making training na isinagawa ng Philippine Footwear Federation Inc. sa Marikina City.
Sa pamamagitan nito, ang natutunan ng anim na Binaloñians ay magagamit nila upang maibahagi ang kanilang kaalaman sa mas maraming residente sa bayan at kapwa Pangasinense.
Samantala, layunin ng programa na makatulong sa pagbibigay kabuhayan at maging daan sa pagkakaroon ng mas malawak na footwear industry sa bayan ng Binalonan. |ifmnews

Facebook Comments