MANILA – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na kapos o kulang ang anim na buwan niyang ipinangako para tuluyang masugpo ang ilegal na droga at kriminilidad sa bansa.Sa kanyang pagharap kagabi sa pinalayang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad sa Davao City, hiniling ng pangulo sa publiko ang anim na buwan pang extension para tapusin ang problema ng bansa sa droga at kriminalidad.Ayon sa pangulo, gusto man niyang patayin ang mga nasa likod ng problemang ito ay kailangan pa rin niya ng sapat na panahon.Sa kabila nito, tiniyak ng pangulo na sakaling magtagumpay ang pamahalaan ay iaanunsyo nito na tapos na ang kanilang giyera kontra droga.Matatandaan noong kampanya, ipinangako ni Duterte na sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan ay tatapusin niya ang problema ng droga at kriminalidad sa bansa.
Anim Na Buwang Ekstensyon Para Sugpuin Ang Ilegal Na Droga At Kriminalidad Sa Bansa, Hiniling Ni Duterte
Facebook Comments