Anim na carnapper natimbog ng Ronda team ni Mayor Guiani

Nahuli ng Ronda team ang anim na mga carnapper na sangkot sa nakawan ng single motorcycle sa area ng PP2 nitong nakalipas na mga araw…Ang pagkaaresto sa mga suspect ay pinangunahan ni cot.city mayor Atty.Cynthia Guiani, City PNP Director Police Sr.Supt.Rolly Octavio at PP2 Station commander PCI Efren Salazar, noong sabado alas onse ng gabi sa Jasmin street barangay RH-6 ng siyudad,
Kinilala ang mga suspect na sina, Penpen Alamada Kalon 21 anyos, Alvin Mabandis Alon 18 anyos, Rowena Epanto Balane 19 anyos, Guihidin Kusain Mamalas alyas Saiden 18 anyos, Kenneth Bandal 18 anyos at Jorhamin Tato Abang 18 anyos.. Narecover sa kanilang possession ang isang Yamaha DT-125 na may plakang FF-2856…Ang pagkahuli sa mga carnapper ay dahil narin sa pinalakas na intel information gatherings at follow-up operations sa mga sangkot ng nakawan ng motorsiklo sa area ng PP2.
Nanawagan naman si station 2 commander PCI Efren Salazar doon sa mga nacarnapan ng motorsiklo nitong nakaraang mga araw na kaagad makipag ugnayan sila sa PP2 upang makilala ang mga suspect at masampahan ng kaso..Ilan sa nahuli ay nasapol sa CCTV camera ng kanyang nakawin ang isang single motorcycle…
Sisikapin ng cot.city police office n mabawi pa ang mga ninakaw na motorsiklo na binili sa mga nahuling anim na carnapper..Sinabi ni Col.Rolly Octavio na patuloy ang kanilang profiling sa mga suspect kung sila bay may mga kasamahan pang nasa labas…

Facebook Comments