Anim na Chinese at isang Filipino na sangkot sa pagdukot sa isang Chinese, arestado ng PNP-AKG sa operasyon sa Parañaque

Nadakip ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang 7 indibidwal na sangkot sa pagdukot sa isang Chinese.

Ayon kay PNP-AKG Spokesperson Police Major Rannie Lumactod, nahuli ang anim (6) na Chinese at isang Pinoy na kanilang kasabwat sa Roxas Blvd, Parañaque City alas-11:50 kagabi.

Ginawa ang operasyon matapos ang reklamo ng live-in partner ng biktima na nanghihingi umano ang mga suspek ng P84,000 kapalit ng kalayaan nito.


July 16, 2020 pa nang mawala ang biktimang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) worker at sapilitan umanong pinagtatrabaho sa kabila ng kwestyonableng kontrata.

Nasa maayos naman na kalagayan ang nasagip na biktima.

Sa ngayon, nasa Camp Crame ang mga suspek at nahaharap sa kasong kidnap- for -ransom.

Samantala sa hiwalay na operasyon, isang Chinese rin ang na- rescue ng AKG sa Don Carlos, Revilla, Pasay City kagabi pero walang nahuling suspek.

Facebook Comments