Anim na commercial airline mula Estados Unidos, tutulong na sa pagsundo sa iba pang Afghan refugees

Anim na commercial airline mula Estados Unidos ang tutulong sa pagsundo ng iba pang refugees sa Afghanistan.

Ayon sa The Pentagon, 18 eroplano mula sa United Airlines, American Airlines, Delta Air Lines at iba pang airline ang susundo sa mga residenteng naipit sa kaguluhan matapos sakupin ng grupong Taliban ang ilang lugar sa bansa kabilang ang Capital City na Kabul.

Matatandaang dinagsa ng libo-libong tao ang Kabul international airport dahil sa labi na kagustuhang umalis ng bansa.


Samantala, 169 na amerikano naman ang sinundo ng tatlong helicopter mula sa Kabul airport nitong nakaraang linggo.

Facebook Comments