Anim na dati at kasalukuyang opisyal ng LRTA, kinasuhan ng katiwalian sa OMB

Sinampahan ng patong-patong na kaso sa Office of the Ombudsman (OMB), ang anim na dati at kasalukuyang opisyal ng Light Rail Transit Authority (LRTA).

Kasong paglabag Anti-graft and Corrupt Practices Act at Government Procurement Reform Act ang kinakaharap ng mga ito.

Ang nagsampa ng kaso ay ang anti-graft advocate lawyer na si Gerry Francisco.


May kaugnayan ito sa umano ay maanomalyang pag-upgrade ng trainsets’ propulsion at monitoring system ng LRT2.

Kabilang sa mga kinasuhan ay sina Jeremy Regino, Hernando Cabrera, Santos Abrazado, Paul Chua, Jose Jobel Belarmino, Federico Canar, Jeremy Regino ang General Manager ng the Philippine National Railways (PNR) at naging LRTA Administrator mula January 2022 to June 2022 at si Hernando Cabrera na kasalukuyang LRTA Administrator.

Kasama rin sa reklamo ay ang mga kinatawan ng LRTA contractors na Multiscan, Brownsteel and Worldleaders na sina Yollee Ong-Ramos, Joseph Ramos, Ma. Grazia Lee at dalawang Koreans mula sa Woo Jin corporation.

Sa kaniyang reklamo, sinabi ni Franciso na nagkaroon umano ng sabwatan nang pumayag ang mga public respondents na ipagamit sa mga private respondents ang tatlong nasa maayos na LRT2 trainsets sa mga Ramos para sa testing ng Woojin Korea equipment.

Facebook Comments