Umabot na sa 6 na digital bank ang pinapayagang mag-operate sa bansa ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ito’y matapos pagkalooban ng BSP ng Certificate of Authority (COA) ang dalawang banko na UnionDigital Bank Incorporated at GoTyme Bank Corporation noong buwan ng Hulyo.
Binigyan naman ng COA para mag-operate sa unang kwarter ngayon taon ang Tonik Digital Bang Inc., at Maya Bank habang nitong ikalawang kwarter naman ang Overseas Filipino Bank Inc., na digital bank ng LandBank at ang UNObank Inc.
Ayon sa BSP, naglabas sila ng COA to operate alinsunod sa kondisyon ng ahensya.
Gumagana naman ang mga nasabing digital bank sa pamamagitan ng eletronic channels gamit ang electronic gadgets tulad ng cellphone.
Facebook Comments