ANIM NA DRIVER AT KONDUKTOR NG BUS, POSITIBO SA ISINAGAWANG RANDOM DRUG TESTING

Nagpositibo ang anim na bus driver at konduktor sa La Union sa droga sa isinagawang random drug testing ng Land Transportation Office Region 1.

Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Region 1 Regional Director Danny Martinez, ang mga ito ay sumasailalim na sa rehabilitation.

Noong December 27, nagsagawa rin ng drug testing ang tanggapan sa pampublikong bus terminal sa lungsod ng Dagupan.

Kasabay ng dagsa ng mga byahero, naglalayon ang nasabing random drug testing sa iba’t ibang probinsya sa Ilocos Region na masiguro ang seguridad ng mga biyahero.

Ang naturang kampaniya ay kaugnay sa Oplan Biyaheng Ayos 2024.

Nagpapatuloy din ang inspeksyon ng awtoridad sa iba’t ibang bus terminals sa mga probinsya sa Ilocos Region. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments