Anim na karagatan sa bansa apektado pa rin ng red tide

Pinag-iingat pa rin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang publiko sa paghango at pagkain ng shellfish sa ilang coastal water sa bansa na apektado pa rin ng red tide poison.

 

Base sa pinakahuling shellfish bulletin na inilabas ng BFAR, mataas pa rin ang antas ng paralytic shellfish poison sa mga karagatan ng San Pedro Bay sa Western Samar, Lianga Bay sa Surigao Del Sur, Dauis at Tagbilaran City Bohol ,Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental.

 

Ibig sabihin hindi pa rin maaaring kainin ang mga lamang dagat  na nakukuha dito tulad ng alamang, tulya at tahong.


 

Maaari namang kainin ang mga nahuhuling isda, hipon, pusit,at alimango bastat linisin lamang ng mabuti bago lutuin.

 

Ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona, lahat ng mga shellfish na nakukuha naman sa Paranaque, Cavite , Manila Bay at kalapit lugar ay ligtas namang kainin.

Facebook Comments