Anim na katao, iniwang patay ng Bagyong Ferdie

Nasawi ang anim na katao dahil sa epekto ng trough ng Bagyong Ferdie at Habagat.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), apat sa mga napaulat na nasawi ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao habang ang dalawa ay mula sa Region 9 o Zamboanga Peninsula.

Samantala, 11 din ang napa-ulat na nasaktan habang dalawa ang nawawala.


Lumobo naman sa 13,825 ang mga indibidwal o katumbas ng 3,528 pamilya ang nananatili sa 133 evacuation centers sa Regions 5,6,7,9,10,11,12 at BARMM.

Patuloy naman ang pagpapaabot ng tulong ng pamahalaan sa mga apektadong pamilya.

Facebook Comments