ANIM NA KATAO NAHAWAAN NG COVID19 SA TAYUG; APAT NA TAONG GULANG NA BATA HINDI NAKALIGTAS SA VIRUS

31

Aabot sa anim na katao kabilang ang apat na taong gulang na babae sa bayan ng Tayug ang hindi nakaligtas sa peligrong dulot ng covid19.

Ang lahat ng bagong kumpirmadong kaso ay nahawa sa mga covid patients ng bayan at walang travel history sa labas ng Pangasinan.


Kasalukuyan na ngayong sumasailalim sa striktong quarantine si Patient no. 247 at 249 dahil nakitaan ang mga ito ng mild symptoms ng covid19 habang naka home quarantine ang apat pang kumpirmadong kaso.

Samantala, dalawang bagong kaso ng covid19 ang naitala sa natividad ang isa ay contact tracer na may travel history sa bayan ng Dasol habang empleyado naman sa bangko ang ikalawang kumpirmadong kaso na may travel history sa bayan ng Villasis.

Facebook Comments