Anim na LGU sa Batangas, ASF-free na – DA

Idineklara ng Department of Agriculture (DA) ang anim na local government units (LGUs) sa lalawigan ng Batangas na malaya mula sa African Swine Fever (ASF).

Matatandaang inilunsad ang national hog repopulation at Bantay African Swine Fever sa Barangay (BABay ASF) twin programs sa Batangas.

ASF-free na ang Lipa City, San Jose, Malvar, Rosario, Taysan, at Nasugbu.


Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, binabati niya ang mga local chief executives kabilang ang kanilang city/municipal veterinarians at ang Provincial Veterinarian Office ng Batangas sa matagumpay sa pagpuksa sa sakit na nakakaapekto sa hog industry.

Habang patuloy na nilalabanan ng bansa ang ASF sa loob ng halos dalawang tao, ang matagumpay na pagpapatupad ng mga proyekto ay nakatulong para bumaba ang bilang ng outbreaks.

Facebook Comments