Anim na lugar sa bansa, posibleng makaranas ng “dangerous level” ng heat index, ayon sa DOST-PAGASA

Posibleng makaranas ng “dangerous level” ng heat index o damang init ang anim na lugar sa bansa bukas, araw ng ng Lunes.

Batay sa monitoring ng DOST-PAGASA, inaasahang papalo sa 44°C ang heat index sa Aparri at Tuguegarao, Cagayan, habang 43°C naman sa Dagupan City, Pangasinan at Puerto Princesa City, Palawan.

Samantala, nasa 42°C ang posibleng maramdamang init sa Laoag City, Ilocos Norte at Daet, Camarines Norte.


Ang dangerous heat index ay nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C kung saan ang mga tao na lantad sa sikat ng araw sa mga lugar na ito ay posibleng makaranas ng matinding pagkapagod, heat cramps at heat stroke.

Facebook Comments