Anim na lugar sa NCR, muling tumaas ang COVID-19 case

Nakitaan ng Department of Health (DOH) ng pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19 ang ilang lugar sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagama’t negatibo na ang two week COVID-19 case growth rate sa NCR, anim na lugar naman sa rehiyon ang nakapagtala ng pagtaas ng kaso.

Aniya, tumaas rin ang kanilang average daily attack rate (ADAR) sa 7.4 sa kada 100,000 indibidwal.


Sa kabila nito, hindi naman tinukoy ni Vergeire ang mga lugar sa NCR na tumaas ang COVID case.

Facebook Comments