Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagkonsumo ng mga shellfish na makokolekta sa anim na lugar sa bansa dahil nananatili itong positibo sa paralytic shellfish poison.
Ang mga apektadong lugar ay ang baybayin ng Dauis at Tagbilaran City, Bohol; Tambobo Bay sa Siaton, Negros Occidental; Calubian sa Leyte; Dumanquillas Bay sa Zamboaga de Sur; Balite Bay sa Mati City, Davao Oriental; at Lianga Bay at baybayin sa Hinatuan, Surigao del Sur.
Ag lahat ng shellfish at alamang na mahahango sa lugar ay hindi pa ligtas kainin.
Pero ang mga isda, pusit, hipon, at alimango ay ligtas kainin basta nahugasan ng maayos at tinanggal ang mga internal organs tulad ng hasang at bituka bago lutuin.
Facebook Comments