
Anim na mangingisda ang napaulat na nawawala sa karagatang sakop ng Manay, Davao Oriental.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), naglabas na ng Notice to All Mariners ang Coast Guard District Southeastern Mindanao para sa lahat ng mga maglalayag na posibleng makakita sa mga ito.
Nawala umano ang anim na kinilalang sina Ignacio Manuel, Cristobal Manuel, Jose Sarajena, Darwin Mag-aso, Alejandro Dormal Jr. at Jacinto Pacyao habang nangingisda noong Biyernes.
Sakay ang mga ito ng motorbanca na MBCA Liezl kung saan hindi pa nakakabalik hanggang ngayon.
Hinihikayat naman ang lahat ng sasakyang pandagat na maglalayag sa naturang bahagi ng karagatan na tumulong sa paghahanap.
Inabisuhan din ang mga ito na agad ipagbigay-alam sa pinakamalapit na Coast Guard Station kapag nakita ang bangka o mga sakay nito.










