Anim na mangingisdang na-stranded sa China, nakabalik na sa Pilipinas makalipas ang pitong buwan

Nakabalik na sa bansa ang anim na Pilipinong mangingisda matapos na ma-stranded sa baybayin ng China ng pitong buwan.

Ito ay matapos abandonahin sila ng kanilang Filipino employer at Chinese company kung saan ilang buwan silang hindi binigyan ng pagkain, tubig, gamot at sahod.

Dagdag pa rito ang umiiral na COVID-19 protocols ng China kung saan pinagbawalan silang dumaong sa pampang.


Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DFA at OWWA sa Global Maritime and Offshore Resources Inc., at Jenn Yih Song Seafood Limited para mapabalik na ang natitirang 23 mangingisda sa bansa.

Nangako naman ang mga may-ari ng kompanya sa DFA na makakauwi ang mga ito matapos nilang bayaran ang kanilang sahod.

Facebook Comments