Anim na mga lugar sa Bacolod, na-identify bilang “rugby boy hotspots”

Bacolod City – Tinukoy ng komitiba ng isang konsehal ang anim na mga lugar sa Bacolod City bilang rugby boy hotspots.

Ayon sa mga lugar na inihayag ni Bacolod City Coun. Em Ang na tinatambayan o pinamumugaran ng mga rugby boys ang Bacolod City public plaza, Capitol Lagoon, down town area ng lungsod, sa harap ng isang food chain malapit sa isang university at isa pang branch nito sa Lacson Street sa Bacolod.

Sa ipinatawag na committee hearing, nagbigay naman ng rekomendasyon ang DSSD, WCPD, Liga ng mga Barangay at Permits and Licensing Division kaugnay sa problema sa rugby boys kung saan sinisira lamang nito ang magandang imahen ng lungsod na nitong nakaraan lang kinilala naman bilang most livable city at child-friendly city.


Kaugnay nito, plano ng konsehal na maglagay ng pulis sa mga lugar na identified bilang rugby boy hotspots.

Facebook Comments