Anim na mga nagpositive sa COVID-19 sa flood control ng MMDA, nagpapagaling na

Kinumpirma ng tagapagsalita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nag papagaling na ang anim na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na mga nakatalaga sa flood control ng ahensya.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, ang nasabing anim na empleyado ng MMDA flood control ay tinamaan ng COVID-19 noong pang Marso at Abril, kaya naman ngayon ito ay nagpapagaling na at ito ay mga asymptomatic naman.

Kasabay nito, tiniyak ni Pialago na hindi naapektuhan ang operasyong ng 64 pumping station na nasa ilalim ng MMDA, dahil mayroon itong mahigit 1000 flood control personnel.


Aniya, nakastay-in na rin ang mga empleyado ng flood control dahil ang kanilang uuwian na barangay ay mayroong maraming kaso ng COVID-19 at nakalockdown naman ang baranagy na nakakasakop sa isang pumping station kung saan nakaduty ang flood personnel.

Binigyan din aniya ang mga ito ng pagkain, gamot, alcohol at Personal Protective Equipment (PPE) na mula sa MMDA.

Facebook Comments