Binabalangkas na ng Department of Health ang guidelines para sa COVID-19 inoculation ng mga kabataan na magsisimula sa Oktubre a-kinse.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOH Usec. at National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson Myrna Cabotaje na magkakaroon sila ng stakeholder consultation ngayong weekend at posibleng ilalabas sa susunod na linggo ang guidelines.
Kabilang aniya sa mga panuntunan sa pagbabakuna sa mga kabataan ay ang pagbibigay ng parental consent, clearance mula sa doktor kung may comorbidity ang bata at ipaalam sa bata ang gagawing pagbabakuna sa kanya.
Anim na milyong kabataan ang target ng pamahalaan na bakunahan hanggang sa katapusan ng taon kung saan uunahin ang edad 15 hanggang 17 na may comorbidities.
Facebook Comments