Manila, Philippines – Pinangalanan ni John Paul Solano ang anim na miyembro ng Aegis Juris Fraternity nasangkot sa pagkamatay ni Horacio Castillo III.
Ginawa ito ni Solano sa isang executive session ng Senado matapos ang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Security.
Ayon kay Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri, mabigat ang mga binitiwang impormasyon ni Solano sa executive session hinggil sa mga kaganapan noong umaga ng September 17.
Bukas rin aniya si Solano na maging state witness.
Base rin aniya sa naging testimonya ni Solano maliwanag kung sino ang liable sa pagkamatay ni Castillo.
Naniniwala rin si Zubiri na susi si Solano sa ikareresolba ng kaso ng pagkamatay ni Atio.
Facebook Comments