*Carranglan, Nueva Ecija-* Nabigyan ng livelihood assistance o pangkabuhayan ang anim na miyembro ng Communist Terrorist Group makaraang kusang sumuko sa 3rd Civil Military Operations (Sandigan) sa Brgy. San Agustin, Nueva Ecija.
Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan mula sa 7th Infantry Division, ang sumukong miyembro ng New People’s Army ay sina alyas “Susan”, “Joey”, “Loyd”, “Rico”, “Mike” at alyas “Wanning” ay resulta ng isinasagawang Community Support Program ng 3rd CMO sa pangunguna ni Captain Marcelo Velo. Jr. at ni Captain Charlie Coy ng 84th Infantry Battalion.
Kusa ring isinuko ng anim na NPA ang isang Garand rifle, isang Carbine rifle, isang Springfield rifle, labing dalawang gauge Shot gun na may kasamang isang Magazine at labing anim na bala ng shot gun.
Bukod sa ibinigay na livelihood Assistance ng 7th ID sa mga nasabing sumuko ay mabibigyan din ng benipisyo mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program.
Ikinatuwan naman ni Major General Felimon Santos, ang Commander ng 7th ID ang kusang pagsuko ng anim na rebelde at umaasa pa ito na mas marami pa sa mga makakaliwang grupo ang kusang susuko sa hanay ng gobyerno.
RadyoMan Susan Mapa