Anim na mobile labs, ipakakalat sa mga lugar na may ASF

Magtatayo ng anim na mobile laboratory units ang Bureau of Animal Industry (BAI) upang makontrol at mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ang mobile laboratories ay nagkakahalaga ng P100 million na target mai-deploy sa mga rehiyong apektado ng ASF bago o sa March 31.

Ang bawat mobile labs ay makakatulong sa mga lokal na pamahalaan na mayroong kaso ng ASF at iba pang sakit sa hayop, gayundin ang isang mobile veterinary school na magsasanay sa disease detection, prevention at monitoring.


Samantala, nakipagtulungan din ang ahensya sa grupo ng mga scientist at beterinaryo upang masugpo ang iba pang mga sakit na nakakaapekto sa livestock at poultry industry ng bansa.

Facebook Comments