Anim na modular hospitals para sa mga tinamaan ng COVID-19, bubuksan na sa susunod na buwan

Bubuksan na sa Hunyo ang anim na modular hospitals na dagdag pasilidad sa mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar, ang bawat kwarto sa modular hospital ay mayroong maayos na kagamitan tulad ng sariling oxygen, aircon room, malinis na kama, at palikuran.

Kabilang sa mga modular hospital na bubuksan ng pamahalan ay sa V. Luna Hospital, Ospital ng Maynila, Lung Center of the Philippines, at Pasig General Hospital.


Mayroon ding ginagawa sa Cebu, Davao, Zamboanga, Batangas, at iba pang probinsya para mapalaki ang hospital bed.

Sa kasalukuyan, umaabot na ₱6-billion ang nagagastos ng pamahalaan para sa pagtatayo ng mga modular hospital para tugunan ang COVID-19 cases sa bansa.

Facebook Comments