ANIM NA NAITALANG BAGONG DELTA VARIANT POSITIVE SA PANGASINAN, LOCALLY TRANSMITTED AYON SA PROVINCIAL HEALTH OFFICE

Kinumpirma ngayon ng Provincial Health Office na sa pagdagdag ng walong bagong kaso ng Delta Variant sa Pangasinan noong nakaraang linggo, lumalabas na anim sa mga ito ay locally transmitted.

Ayon kay Provincial Health Office Chief Dra. Anna De Guzman na sa advisory na ipinadala ng Department of Health sa kanilang tanggapan na sa walong bagong kaso ay dalawa lamang ang OFW na umuwi sa Pilipinas at Pangasinan, anim sa mga ito ay locally transmitted na.

Dagdag ni Dra. De Guzman na totoo ang pag aaral na ang Delta Variant ay pwede ng makuha sa paligid.


Pinaigting naman umano ng kanilang tanggapan ang contact tracing sa mga close contacts at nag-popositibo sa virus maging ang pag-coordinate sa bawat LGUs ng sa gayon ay maayos at maintebsified ang pagsasagawa nito.

Samantala, sa pagdami naman ng kapasidad ng molecular laboratory ng Pangasinan ay dumami rin ang nagtutungo sa lugar kaya marami rin ang nailalabas na mga specimen dito.

Ang ginagawa umanong genome sequencing sa mga positibo ay nakabatay sa DOH Central Office dahil sa ito ay random sampling ang ginagawa.

Facebook Comments