Anim na organisasyon, na-accredit ng Kamara para lumahok sa budget deliberations

Inahayag ni House of Representatives Spokesperson Atty. Princess Abante na inaprubahan na ng Kamara ang request for accrediation ng anim na civil society organizations para makalahok sa deliberasyon para sa panukalang pambansang pondo sa susunod na taon.

Kabilang sa nabanggit na mga organisasyon ang:
Federation of Free Farmers Cooperatives;
SafeTravelPH Mobility Innovations Organization;
Makati Business Club;
Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan;
Center for People Empowerment in Governance, at
WeSolve Foundation

Ayon kay Abante, may apat pang civil society organizations ang nagpahayag din ng intensyon na magsumite ng requirements, dalawa naman ang tumangging lumahok at 14 ang wala pang tugon.

Bingiyang diin ni Abante na ang ipinapatupad na pansamantalang patakaran ng Kamara para sa paglahok ng iba’t ibang organisasyon sa budget deliberations ay unang hakbang pa lang para sa layuning maging lubos na transparent o bukas sa publiko ang pagbusisi sa pambansang pondo.

Paliwanag ni Abante, ang nakalatag na mekanismo ngayon ay hindi pa pinal dahil ang kasalukuyang taon ay pilot period pa lang para matukoy ang mga dapat tutukan para mapahusay ang proseso kaugnay sa proseso ng paghimay at pagsasabatas ng taunang pambansang budget na dapat matiyak na pakikinabangan ng bayan at sa mamamayan.

Facebook Comments