Anim na pagpupulong, dadaluhan nang pangulo ngayong araw sa Indonesia kaugany sa ginaganap na 42nd ASEAN Summit

Nasa Indonesia na ngayon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at nakatakdang dumalo sa mga pagpupulong na may kaugnayan sa 42nd Association of South East Asian Nation o ASEAN Summit.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Cheloy Garafil, ngayong unang araw nang Pangulo sa pagdalo sa ASEAN Summit inaasahan ang anim na pagpupulong na dadaluhan nito.

Una aniya ay ang pagdalo sa opening and plenary session, pangalawa ang pag-attend nito sa ASEAN Leaders’ Interface with Representatives of ASEAN-Interparliamentary Assembly o AIPA.


Pangatlo ay ang pakikiisa sa ASEAN Leaders’ Interface kasama ang mga representatives ng ASEAN Youth.

Sinabi pa ni Secretary Garafil, makikiisa rin ang pangulo sa ASEAN Leaders’ Interface kasama ang mga representatives ng ASEAN Business Advisory Council.

Dadalo rin ito sa ASEAN Leaders’ Interface kasama ang mga High-Level Task Force on ASEAN Community Post 2025 Vision.

Panghuling aktibidad nang pangulo ngayong araw sa Indonesia ay ang pagdalo sa welcome dinner hosted ni Indonesian President Joko Widodo, na siyang ASEAN summit chair ngayong taon.

Bukas naman bago bumalik dito sa Pilipinas ay dadalo ang pangulo sa 42nd ASEAN Retreat Session at sa 15th BIMP-EAGA Summit.

Una nang sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na ang gagawing pagdalo nito sa BIMP-EAGA Summit ay isang malaking oportunidad para mabigyang diin ang kahalagahan ng pagpapalakas ng kooperasyon sa mga sub region at mapanatili ang paga-angat ng ekonomiya.

Facebook Comments