Nakapagtala ng anim na post-election related incidents ang Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, mula sa nabanggit na bilang apat ang shooting at tig-isa naman ang kaso ng stabbing at hacking.
Naitala sa Region 11 ang isang namatay na kapitan, 2 baranggay councilor sa Region 12 at isang konsehal sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Samantalang naitala naman sa Region 10 at Calabarzon ang mga sugatang baranggay officials.
Sa mga insidenteng ito, sinabi ni Col. Fajardo, dalawa ang newly elected baranggay captains, at 4 na councilors.
Kaugnay nito, nagbigay ng direktiba si PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr. sa mga field commanders na tiyakin ang safety at security ng mga barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials maging ang mga natalong kandidato sa nakaraang eleksyon.
Nanawagan din ang PNP sa mga opisyal na nakakatanggap ng pagbabanta sa kanilang buhay na lumapit sa pulisya para mabigyan sila ng karampatang seguridad.