Bukod sa pamamasada ng pampasaherong jeep ay karagdagang kita pa rin ang kailangan upang mapunan ng mga jeepney drivers at operators ang lahat ng gastusin sa araw-araw kaya naman ilang programa ang inilulunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang makatulong.
Halimbawa sa bayan ng Mangaldan, anim na Public Utility Vehicle (PUV) drivers at operators ang naging benepisyaryo ng kabuhayan package sa ilalim ng enTSUPERneur program ng DOLE.
Nasa higit 29,000 pesos na halaga ng pangkabuhayan ang naipamahagi bawat benepisyaryo kung saan ilan sa mga ito ay nakatanggap ng bagong chest freezer at at iba’t ibang klase ng frozen products, ilang sakong bigas, iba pang produktong maaaring ibenta at paglalagyan ng kanilang mga benta.
Layon nito na mabigyan ng mapagkakakitaan ang mga PUV drivers at Operators lalo na ang mga naapektuhan ng Jeepney Modernization Program.
Samantala, ilan pa sa mga Jeepney drivers at Operators sa lalawigan ng Pangasinan ang umaasang makatatanggap ng tulong lalo sa usapin ng pabago-bagong presyo ng produktong petrolyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









