Anim na quarantine measures, hihigpitan sa GCQ areas – Palasyo

Magpapatupad ang pamahalaan ng matalas na “circuit-breaker” approach para mapababa ang COVID-19 cases sa Metro Manila at iba pang lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, paiigtingin ng pamahalaan anim na quarantine measures sa GCQ areas hanggang April 4 at hinihikayat nila ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad.

Ang mga quarantine measures ay kinabibilangan ng: pagpapasara sa mga sinehan, gaming arcades, at limitadong tourist attractions; paglilimita sa religious gatherings at essential business gatherings sa 30% venue capacity; at ibaba sa 50% venue capacity ang dine-in restaurant operations.


Ang “circuit breaker” ay ang pagpapatupad ng set of restrictions para mabasag ang COVID-19 transmission chain at mapababa ang infection rate.

Paglilinaw ng Palasyo na hindi ipapatupad ng gobyerno ang “circuit breaker lockdown” na ginawa sa Singapore kung saan ipinasara ang mga eskwelahan at ilang trabaho maliban sa essential services.

Suspendido rin ang operasyon ng sabong sa GCQ at modified GCQ areas.

Samantala simula sa Lunes, March 22 ay ibaba sa 50-percent ang operational capacity ng government offices at magpapatupad ng alternative work arrangements sa GCQ areas.

Facebook Comments