Nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang anim na rehiyon sa bansa.
Ayon kay Bureau of Animal Industry (BAI)-National ASF Prevention and Control Program National Deputy Director Dr. Samuel Joseph Castro, kabilang sa mga rehiyon na apektado ng ASF ay ang Regions 1, 3, 4-A, 6, 8, at 12.
Dagdag pa ni Dr. Castro, posileng magkaroon ng kakulangan ng suplay ng karne ng baboy bago matapos ang 2022 bunsod ng naturang sakit.
Kasunod nito, pinupursige ng nasabing ahensya na makarating hanggang barangay ang mga programa kontra ASF at maabot ang 100% sufficiency level sa suplay ng mga baboy sa bansa.
Facebook Comments