
Anim na lalaki ang naaresto sa Urdaneta City noong March 9, 2026 sa bisa ng Search Warrants.
Pinangunahan ng Urdaneta City Police Station sa pakikipagtulungan ng PDEA Pangasinan, RPDEU1 PRO1, at PDEU Pangasinan PPO ang operasyon.
Nasamsam sa mga suspek ang 8 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nakalagay sa 15 heat-sealed sachet, pati na rin ang mga drug paraphernalia gaya ng timbang, tooter, at iba pang kagamitan.
Ang mga naarestong lalaki, na mula sa Urdaneta City at may edad 28 hanggang 58, ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Urdaneta CPS para sa kaukulang legal na aksyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










