Anim na tao, arestado dahil sa illegal mining at quarrying

Naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anim na tao dahil sa illegal mining at quarrying sa Barangay Maambog, Hermosa, Bataan.

Nakilala ang mga naaresto na sina Domingo Leal, Zaldy Adelantar, Rio Bueno, Mark Anthony Santos, Arjay Mamalateo at Christopher Alba.

Ayon sa NBI, nakatanggap ng reklamo ang kanilang hanay na talamak ang illegal mining at quarrying sa lugar.


Inaresto ang anim dahil sa pangunguha ng minerals ng walang kaukulang permit mula sa Provincial Mining Regulatory Board ng Bataan at Department of Environment and Natural Resources Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) Region III.

Nakumpiska sa anim ang ilang truck at backhoe at itinurn-over sa kapitan ng barangay.

Nakakulong na ang anim na katao sa Bataan at sasampahan ng kaukulang kaso.

Facebook Comments