Anim na task group, binuo para plantsahin ang vaccination plan kaugnay sa COVID-19

Inihayag ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go na bumuo ang National Task Force Against COVID-19 ng anim na task groups para plantsahin ang vaccination plan kaugnay sa COVID-19.

 

Ayon kay Go, kinabibilangan ito ng:

-Task Group on Vaccine Evaluation and Selection
-Task Group on Diplomatic Engagement and Negotiation
-Task Group on Procurement and Finance
-Task Group on Vaccine Cold Chain and Logistics Management
-Task Group on COVID-19 Immunization Program
-Task Group on Demand Generation and Communications


Ipinangako rin ni Go ang patuloy na koordinasyon sa Ehekutibo sa pangunguna ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez para matiyak ang maayos na roll-out ng COVID-19 vaccine plan.

Muling binigyang-diin ni Go na kapag may safe at effective na vaccine na ay dapat matupad ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na unahin ang mga mahihirap, mga parte ng vulnerable sectors, at mga frontliners, tulad ng mga guro, medical workers at uniformed personnel.

Facebook Comments