Anim na volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras ayon sa PHIVOLCS

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng anim na volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa PHIVOLCS, ang volcanic quakes ay may kinalaman sa rock-fracturing processes sa ilalim ng bulkan.

Ibig sabihin, ang mga bato sa ilalim ng bulkan ay sumasailalim sa proseso kung sa naghihiwalay ito sa mga maliliit na piraso.


Bukod dito, may naitala ring mahinang steaming o fumaloric activity sa timog-kanlurang bahagi ng Taal.

Nakita ito mula sa bukana ng main crater at mula sa fissure vents sa Daang Kastila Trail.

Nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal kung saan banta ang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall at paglalabas ng volcanic gas.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok ng mga tao sa volcano islands.

Facebook Comments