Isa sa mga naaresto ay nakilalang si Alvin Corpuz, may-asawa, 32 taong gulang, Number 3 Top Most Wanted Person Municipal Level at residente ng Purok 6, Brgy. Aggub, Solano, Nueva Vizcaya.
Nahuli si Corpuz sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela sa bisa ng warrant of arrest sa kasong tatlong (3) beses na panggagahasa kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ang iba pang nadakip sa pamamagitan din ng kanilang mandamiento de aresto ay kinilalang sina Evelyn Cambas, 41 anyos, walang asawa, residente ng Brgy. Maria Clara, Diffun, Quirino dahil sa kasong Estafa; Cliford Jay Baua, 24-anyos, binata, dietary aid, residente ng brgy. Moldero, Tumauini, Isabela dahil naman sa kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) in Homicide na may kaukulang piyansa na Php36,000.00.
Timbog din ng kapulisan ang iba pang wanted persons na sina Rovi Anne Mari Traballo Fernandez alyas “Gemmalyn Villanueva Flores”, 26 taong gulang, residente ng Middle Quezon Hill, Baguio City sa kaso namang dalawang (2) beses na pagnanakaw na may tig-P10,000.00 na inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang paglaya; Josephine Molina, 44 taong gulang, care taker, residente ng Brgy. Naganacan, Cauayan City, Isabela sa kasong paglabag sa RA 8048 as amended by RA 10593 na may inirekomendang piyansa na Php24,000.00; at Junior Cabacungan, 61 anyos, may-asawa, magsasaka, at residente ng Brgy. Casala, San Mariano, Isabela dahil naman sa kasong Grave Oral Defamation na may kaukulang piyansa na Php18,000.00.
Pinapurihan naman ni PRO2 Regional Director PBGEN Steve B Ludan ang mga operatiba sa nagawang accomplishments kung saan ay nabawasan na ang mga minomonitor na mga wanted persons sa rehiyon.