Anim pang bagyo, inaasahang pumasok sa PAR —PAGASA

Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na may anim pang mga bagyo inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bago matapos ang taong 2024.

Ayon kay officer-in-charge ng PAGASA Weather Division Chris Perez, batay sa kanilang weather outlook para sa huling quarter ng taong kasalukuyan, sa pagpasok ng Oktubre ay walong bagyo ang naiulat na papasok pa sa bansa bago matapos ang buwan ng Disyembre.

At dahil pumasok ang Bagyong Kristine at Bagyong Leon ay may aasahan pa silang anim na mga bagyo.


Tinaya rin ni Perez na hanggang sa pagtatapos ng taong ito ay mas malalakas na bagyo ang tumama sa bansa at maaaring tumawid ng kalupaan ng ating bansa.

Si Bagyong Leon ay pang-12 bagyo na pumasok sa bansa.

Facebook Comments