Anim pang cargo trucks ng PCG na may kargang relief goods, dumating na sa Cagayan

40

Anim pang cargo trucks ng Philippine Coast Guard (PCG) na may kargang libo-libong relief supplies ang dumating na rin sa Cagayan.

Ang naturang mga donasyon ay mula sa private individuals, PCG officers, enlisted personnel at non-uniformed personnel.


Nilinaw naman ng PCG na hindi sila tumatanggap ng mga damit na donasyon at sa halip ay mga inuming tubig at pagkain lamang ang kanilang tina-transport sa mga lugar na sinalanta ng sunod-sunod na bagyo.

Dumating na rin kanina sa Port of Claveria sa Cagayan sina Transportation Secretary Arthur P. Tugade at PCG Commandant, Admiral George Ursabia Jr. para personal na pangasiwaan ang relief operations sa munisipalidad

Facebook Comments