Nakipagpulong ang Quezon City Police District (QCPD) sa pamunuan ng Philippine College of Criminology (PCCR) ngayong tanghali kaugnay sa insidente ng hazing na ikinasawi ng isang estudyante.
Sa ginawang pagpupulong, nagbigay ng mga impormasyon ang administrasyon ng PCCR na gagamitin ng QCPD para sa imbestigasyon.
Ayon kay QCPD Director BGen. Red Maranan, dahil sa impormasyon ay natukoy nila ang anim na person of interest sa pagkamatay ni Aldryn Leary Bravante.
Ang mga persons of interest ay napag-alamang kasabi ng fraternity na Tau Gamma Phi.
Panawagan ni Maranan, na sumuko na at magbigay ng kanilang pahayag.
Tiniyak naman ng eskwelahan na makikipagtulungan sila sa mga awtoridad para mabigyang hustisya ang pagkamatay ni Bravante.
Facebook Comments