MANILA – Anim na ang naitalang patay sa pananalasa ng bagyong nina sa Bicol Region at Southern Luzon.Apat sa mga ito ay mula sa Albay habang dalawa sa probinsya Quezon.Sa Polangui, namatay si Estelita Bigcas na nadaganan ng nabuwal na pader.Patay naman ang mag-asawang sina Teresita at Antonio Calingacion matapos malunod sa ilog sa Barangay Balinag.Sa Barangay San Roque, natagpuang patay ang 60-taong gulang na si Gregorio Tadeo sa kanyang bahay nanabagsakan ng poste.Isinailalim na sa state of calamity ang albay dahil maraming bahay ang sinira ng bagyo bukod pa sa mga nabuwal na puno at poste ng kuryente.Sa Quezon – patay ang magsasakang si Gregorio Reforma matapos madaganan ng nabuwal na punong kahoy at Lucielle Pigera na nadagan ng pader ng bahay.Sa ngayon – pinag-aaralan pa ng lokal na pamahalaan kung isasailalim sa state of calamity ang lalawigan.
Anim, Patay Sa Pananalasa Ng Bagyong Nina – State Of Calamity Ideneklara Na Sa Ilang Lalawigan
Facebook Comments