Anim sa 10 pamilya, marami ang oras para turuan ang mga bata sa ilalim ng blended learning – SWS

Nasa 60% ng pamilyang Pilipino ang nagkaroon ng mahabang oras para turuan at patnubayan ang kanilang mga anak sa blended learning modality kaysa sa tradisyunal na face-to-face educational system.

Base sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 43% ng pamilya ang nagsabing may nakalaan na silang mas maraming oras at 17% ang bahagyang nadagdagan ang oras para gabayan ang kanilang mga estudyante.

Nasa 28% ang naniniwalang nabawasan ang kanilang oras para turuan ang kanilang mga anak.


Aabot naman sa 11% ang nagsabing walang nagbago sa inilalaan nilang oras para tulungan ang kanilang mga anak sa pag-aaral.

Mas maraming ang nagkaroon ng mahabang oras para turuan ang kanilang mga anak sa Mindanao (63%), kasunod ang Visayas (61%), Metro Manila (59%) at Balance Luzon (57%).

Lumalabas din sa survey na mas nakatutok ang mga nanay sa pag-aaral ng kanilang mga anak na nasa 57%, kasunod ang mga kapatid (13%), tatay (6%), lolo/lola (5%), tito/tita (4%), pinsan (2%), brother o sister-in-law (1%), apo (0.4%), pamangkin (0.4%) at son o daughter-in-law (0.3%).

Ang survey ay isinagawa mula November 21 hanggang 25, 2020 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,500 adult respondents.

Facebook Comments