Anim sa 44 na close contact sa Baguio ng unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.12 sa bansa, nagnegatibo sa virus

Nag-negatibo sa COVID-19 ang anim sa 44 na close contact ng unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.12 sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), tatlo sa mga nakasalamuha ay kasama ng nagpositibong babae sa eroplano nang patungo ito ng Maynila.

Hindi na isinailalim sa testing ang iba pang close contact ng nasabing babae dahil mga asymptomatic naman ang mga ito.


Samantala, nagpapatuloy pa rin ang beripikasyon at updates sa kaso ng DOH kahit na wala nang ibang close contact na natukoy ang naturang ahensya ng kalusugan.

Matatandaan, noong Abril na naitala ng DOH ang unang kaso ng naturang variant na kung saan isang 52- anyos na babae na dumating sa Baguio mula sa Finland noong April 2.

Facebook Comments